NAGSISIMULA nang maganap ang katuparan ng mga propesiya na nakapaloob sa aklat ng Pahayag sa Bibliya, ito ang pahayag ni Shincheonji Church of Jesus The Temple of the Tabernacle of the Testimony (SCJ) chairman Lee Man Hee sa isang serye ng Bible seminar na dinaluhan ng iba’t ibang religious groups sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas.
Sa Bible seminars na magkasunod ginanap sa Seoul at Busan, South Korea at ini-broadcast online sa mga social media sites , inihayag ni Chairman Lee na ang propesiya sa aklat ng Pahayag sa Bibliya mula chapter 1 hanggang 17 ay nagkaroon na ng katuparan.
Ang mga natitira na lamang na hindi pa natutupad ay ang mga propesiya na nasa Revelation 18-20.
Ang finale ng naturang seminar ng Shincheonji, na may english translation na New Heaven New Earth, ay gaganapin sa Mayo 6, 2023 sa Daejeon, South Korea.
Ayon kay Chairman Lee, na nanguna sa mga gawaing pangkapayaan dito sa Pilipinas at kamakailan ay isa sa mga nagpasinaya ng peace monument sa Maynila, ang propesiya ukol sa second coming ng Panginoong Hesus na siya ay darating na “nasa mga alapaap” ay nangangahulugan ng pagparito ng ispiritu ng Diyos at hindi ng kaniyang pisikal na katawan.
Inihayag nya na siya ang nagpadala ng liham sa pitong simbahan na nasusulat sa Pahayag 2-3. Siya, aniya, sa utos ng Panginoong Hesus, ang sumulat at nagpadala ng liham sa pitong pastor na siyang realidad ng mga simbahan na tinukoy sa mga naturang kabanata sa Bibliya.
Aniya, naganap na maging ang kanilang pagtalikod sa Panginoong Hesus at pagsunod sa ibang doktrina.
At sa Pahayag 4 kung saan nasusulat na si apostol John ay tinawag upang umakyat sa langit at ipinakita sa kaniya ang magaganap sa hinaharap, idineklara ni Chairman Lee na siya mismo ang realidad ng propesiyang ito.
“I will testify today, I will tell you about what I saw and heard,” aniya sa Bible Seminar na naganap sa Seoul, South Korea at nai-publish sa mga social media sites gaya ng Youtube at Facebook.
Aminado si Chairman Lee na siya ay walang pormal na pag-aaral patungkol sa Bibliya subalit aniya, ang kaniyang sinasabi ay nalaman niya bago pa man niya binasa ang Bibliya.
“I didn’t know anything at the time. I didn’t go to church so I didn’t know anything, I could only testify to what I saw and heard,” aniya.
Binigyang-diin niya na hindi propesiya ang kanyang inihahayag sa halip ay mga katuparan na nito.
Aniya, pumili si Hesus ng isang tao at walang nakakaalam ng mga misteryo sa Bibliya maliban sa taong ito na siyang pinili ng Panginoon.
“I started my life of faith not because I wanted to. The only thing I can talk about is what I saw and heard. At that time, I knew nothing,” aniya. “After reading the bible I realized the things written in the bible but before this I did not go to church so I knew nothing.”
“I am the one who sent the letters. I heard and sent the letters. It is not because I wanted to but because I followed the instructions. This might be difficult to understand, but the appearance of Jesus which I saw too, and I heard Jesus spoke as well. So I wrote the letters. If you read the letters It’s not only good things that are written there are also bad things. It could be offensive too, so, how can I send these kinds of letters to other people? So I had to be prepared. But it is the command of heaven so I sent all the letters to these seven people, seven churches,” aniya sa pamamagitan ng isang translator.
Gaya ng nasusulat sa Ezekiel 3, hindi si Ezekiel ang realidad ng propesiya doon kundi si Hesus, paliwanag nya.
Aniya, hindi naman niya ito malalaman kung hindi siya mismo ang nakarinig at nakakita at nagpadala ng mga liham. Kilala niya, aniya, ang mukha ng pitong mensahero na tinutukoy sa Bibliya.
“The fulfilled reality must appear. Letters were sent to the seven messengers. If you did not see and hear then you would not know. I know the faces of the seven messengers. I know their ages at that time, I am very well aware that is why I can testify because I know, and I was told, I was told to send letters to them, these are letters from Jesus,” ani Chairman Lee.
“That voice told me to come up and I saw God’s throne. Yes, I saw God’s throne and the spirits are busy fulfilling the prophecies. People here on earth have no idea. People are quite idle. So if we know this, we have to work really hard. I heard that the throne of God will come to this earth,” mariin niyang pahayag.
Ayon kay Chairman Lee, ang layunin ng pagdating muli ni Hesus ay upang ipunin ang mga nananampalataya sa kanya.
“Jesus came to gather and harvest the people. If we want to understand the Bible, we need to understand every single thing. We just do not say we believe with our lips. If we understand the Revelation, it is not for others’ sake but for our sake,” aniya.
“If they truly believe in Jesus, they have to accept the person who Jesus sent. Revelation says there is the one who saw all the events in Revelation. This person was sent to the churches to testify. Then we have to follow this word. We have to obey this word of Jesus, we should not be stubborn and stick to our own words,” dagdag pa niya.
Kung gusto mo, aniya, na mapunta sa langit, kailangan mong maniwala sa Bibliya at sumunod sa Salita.
“If you want to understand the scroll, you have to go to the person who ate the scroll and listen to him,” aniya.
Matatagpuan ang mga videos at pahayag ni Chairman Lee sa facebook page na New Heaven New Earth PH at sa Youtube channel na Shincheonji Church of Jesus.
This article was published by journalnews.com.ph on May 5, 2023 and policefilestonite.net on May 7, 2023.